Trust Issues

Dear Ate Emz,

Ask ko lang kung normal lang po ba na hingiin ko account ng Mister ko? Lalo na po kung may trust issue na ako sa kaniya. Isa po yan sa pinag-aawayan namin. Alam ko po official FB account niya, pero yung second account niya hindi ko po alam. Need daw po niya ng privacy. Pero, bakit ganun po nararamdaman ko, feeling ko may kakaiba po? Na sa tuwing pinapa-open ko 2nd account niya, sabi niya nakalimutan daw niya password. Samantalang nakakapag-story siya, at nung binuksan niya, kitang-kita ko na tinagilid niya cellphone niya at nag-delete ng message.

Please, need ko po advice, normal lang po ba nararamdaman ko or napapraning lang ako? Wala naman po daw dapat ipag-alala kasi trustworthy naman po daw siya. Pabayaan ko nalang po ba or kokomprontahin ko siya. Ayoko naman ng gulo. Gusto ko ng tahimik na pamumuhay.

Salamat,
Dianne

* * * * * *

Dear Dianne,

Trust between spouses is a very important foundation of relationship in marriage. Kung wala ito, magiging sanhi ng disturbed mind dahil palagi na lang magkaroon ng suspetsa sa mga ginagawa ng bawa’t isa. Kaya sa iyong pagtanong kung normal lang ba na hingiin mo ang FB account ng asawa mo…para sa akin normal lang po yan. Expected kasi sa mag-asawa ang pagiging TRANSPARENT sa bawa’t isa.

Para sa ating kaalaman, ang babae ay mayroong tinatawag natin na INTUITION…strong ang kutob, although hindi niya ito masyadong maipaliwanag pero nararamdaman natin that something is going on. “In the name of privacy”…maaring maging isa itong palusot sa isang bagay na itinatago. Dahil kung walang itinatago, magiging okay lang sa husband ang pagshare kung ano nasa cellphone niya. On the other hand, sa part naman ng bawa’t isa, there is such thing as RESPECT. Bilang pagrespeto nga sa privacy ng bawa’t isa, it will not matter kung ano ang mga messages ang nandoon, pero ito nga ay may kaakibat na TIWALA that nothing fishy is going on.

Actions speak louder than words…ang sabi nga ng iba. Kung walang itinatago, bakit tinatagilid niya ang kanyang cellphone at nag-delete ng message? This invites suspicion.

Totoo naman ang iyong nararamdaman and this disturbs you to the point na parang nagiging “praning” na kayo dahil nga sa mga suspicions mo tungkol sa naobserbahan mo sa iyong asawa. Napakabigat nitong dalhin sa araw-araw ninyong pagsasama. Totoo, magiging sanhi lang ito ng laging pag-aaway dahil sa pagkawalang tiwala. This affects your mental health dahil lagi ka na lang naghihinala. Trust is very challenging and difficult to recover once it is broken.

Mag-usap kayo ng masinsinan. DIALOGUE is the key. No judgments, just focus on behavior that is disturbing to you. Dapat MAKINIG sa panig ng bawa’t isa with an open mind and heart. Importante ang katotohanan, otherwise walang kahinatnan ang pag-uusap. Expect na mahirap talaga mag-express ng mga negative emotions dahil ito ay nanggagaling kung ano ang nasa isip na mga paghihinala. It is also challenging as well as difficult to let go of the suspicions lalo na kung hindi ka kumbinsido na nagsasabi ng totoo ang bawa’t isa.

Dianne, ikaw ang may control sa iyong pag-iisip. Kung patuloy mong i-eentertain with suspicion ang bawa’t galaw ng asawa mo, it will not do you any good. Give yourself the benefit of the doubt. Free yourself of this burden, ikaw lang ang makapagbigay katahimikan sa sarili mo. If you change the way you look at the situation. We know that “it takes two to tango”…but for your own “sanity” feed your mind with positive thoughts.

In life there are things that we can learn, as well as unlearn. If you had learned to be suspicious, try to unlearn this and teach yourself to trust again. Better said than done, but not impossible. By yourself, it is an uphill battle. But if you seek the help of our Lord, makakaya mo ito. Because the Lord will provide you with the necessary graces to win this battle…in fact , He assures that, as what one line of the song expresses…He will fight your battles for you and He will not let go…

Ang married life ay hindi nawawalan ng mga pagsubok. There will always be trials especially as far as fidelity with one another is concerned. Kung malampasan itong mga pagsubok, naniniwala ako na ang inyong paglalakbay na magkasama sa mundong ito ay magiging mas matatag sa paglipas ng panahon. Arm yourself with God’s assurance, for indeed, prayer is our only strength.

God bless us more
Ate Emz

No Comments

Post A Comment