Photo of a woman's silhouette in an airport by Aman Uttam on Pexels (Photo by Aman Uttam on Pexels)

Seek God’s Wisdom

Dear Ate Emz,

Good day po sa lahat.

Ako si Glenda, married for six years na at may isa kaming anak. Noon kasi, bata pa lang ako ay pangarap ko na mag-abroad para sa pamilya ko, at noong nagkapamilya na ako of my own, hindi pa rin nagbabago pangarap ko, mas lalo lang ako nagka interes to work abroad, but sadly, my husband refused na ituloy ko yun. Palagi namin ito pinagtatalunan. Ang dami ko pang gustong maabot, makuha, makamit kaya lang parang hanggang dun na lang yata ang lahat, mailibing sa pangarap at mukhang mananatiling pangarap na lang.

Dapat ko na ba i-give up ang pag-a-abroad? Para din naman to sa anak namin at pamilya, o kung itutuloy ko, ang kapalit non ay maghihiwalay kami. Marami pa namang available slot ngayon sa appointment ng passport kaya mas lalo akong nanghihinayang sa chance.

I hope you can help me.

Salamat po,
Glenda

* * * * * *

Dear Glenda,

Nangyayari na minsan ang mga pangarap ng isang indibidwal ay nagsisimula pa noong mga bata pa sila at siyang umuudyok na sila ay sumisikakp para maabot ito. Ngunit minsan din, hindi ito agad natutupad dahil may ibang mga pangyayaring nauudlot ito. Halimbawa sa situation mo, Glenda, na may pamilya na, kaya naiba na ang priority sa buhay.

Isang major decision ang iyong pangarap na ito dahil hindi lang ikaw ang ma-apektuhan kundi ang iyong buong pamilya. Una sa lahat, ang pag-abroad ay hindi lang basta basta dinidisisyonan. You have so many things to consider. Dapat pag-isipan ng maige ang mga pros and cons nito lalo na may pamilya ka na. Oo nga, generally ang motivation is for the family. Pero aware ka ba kung ano ang trade-off or kapalit nito? Oo nga, financially siguro makakatulong sa pamilya dahil medyo malaki ang income, medyo magiging maginhawa ang pamumuhay. Makapag-aral ang mga anak sa magagandang paaralan, makapagpatayo ng sariling bahay or makapagpundar ng mga ari-arian, etc.

However, on the other hand, wala ka sa paglaki ng iyong anak, wala ka sa mga milestones ng kanilang buhay. Ito ay isang malaking sakripisyo na handa mong gawin alang-alang sa pangarap mong mag-abroad. Kaya lang hindi na pansariling fulfillment ang dapat mong i-consider. Iba na ang magiging priorities mo ngayon at ang mga decisions mo ay hindi na ginagawa alone but should be a mutual decision with your husband. At dito kayo magkaiba dahil hindi siya papayag na iwan mo sila and eventually have an LDR (Long Distance Relationship).

“Dapat ko na bang i-give up ang pag-abroad?” Ikaw lang ang makapagdesisyon nito after thorough discernment with your husband. Oo nga, it is always a valid justification na sasabihin mong “para ito sa iyong pamilya”, but if you come to think of it, and in all honesty, the real reason is that… it is the fulfillment of your childhood dream that you need to fulfill.

Masakit man sabihin, pero kung ganito pala katindi ang iyong pangarap, you could have fulfilled it first while you were still single. Or napag-usapan ninyo ng masinsinan with your groom-to-be ang pangarap mo na ito at nag-agree kayong dalawa. Eh di sana hindi ito nagiging issue na inyong pinagtatalunan ngayon.

Look around. Try to inquire and find out kung ano ang mga kasalukuyang situation ng mga pamilya where the mother or the father is an OFW. And maybe makakatulong sa iyong pag decide. Above all, seek God’s wisdom in prayer para ma enlighten ka on what is best not only for you but for your family.

May the fruits of your discernment be aligned with God’s will.

God bless you more.
Ate Emz

No Comments

Post A Comment