Buwan ng Wikang Pambansa 2015

Buwan ng Wikang Pambansa

Buwan ng Wikang Pambansa 2015Ang “Buwan ng Wika” ay isa sa mga pangunahing pinagdiriwang sa lahat ng antas ng paaralan sa buong bansa taon-taon, ito man ay elementarya, sekondarya, o maging sa kolehiyo. Ang Komisyon ng Wikang Filipino o KWF ay ang nangunguna sa pagdiriwang ng taunang Buwan ng Wikang Pambansa tuwing ika-1 hanggang ika-31 ng Agosto. Ang tema ng selebrasyon ngayong taon ay “Filipino: Wika ng Pambansang Kaunlaran.”

Isa sa mga nabanggit na layunin ng pagdiriwang ay ang maipakita ang kahalagahan ng wika na higit pa sa pambansang kaunlaran. Ang Filipino, bilang wika ng pambansang kaunlaran ay siya ding maaaring maging daan tungo sa pambansang kaunlarang pangkultura, pang-ekonomiya, panlipunan at panteknolohiya.

Bilang isang bansang may sariling pagkakakilanlan, mahalaga ang papel na ginagampanan ng isang wikang pambansa. Dito nag-uugat ang ating pagkakaisa. Ito din ang sumasalamin sa ating pagka-Pilipino.

Sa buhay pananampalataya, mahalaga ang wika lalo na dahil ito ang isa sa mga paraan ng pagpapahayag natin ng pananalig sa Diyos. Sa mga panalangin, liturhiya at mga sakramento katulad ng banal na Eukaristiya, ang tumpak at payak na paggamit ng wika ang nagpapahiwatig ng ating mga damdamin, saloobin at mga mithiin.

Nawa ang pagpapaunlad ng ating wikang pambansa ay magbuklod sa atin bilang isang simbahan at isang bansa.

No Comments

Post A Comment