Konsyerto para kay Padre Pio

Matatandaang binisita ang Archdiocese of Davao ng relics ni St. Padre Pio of Pietrelcina noong January 4-5, 2012 kasabay ng pagbisita din ng relics ni Blessed John Paul II.

Matapos ang isang taon, nabuo ang St. Padre Pio Prayer Group Sta. Ana Chapter na pinangungunahan ng mga advisers and officers na sina Edgar Canda, Maria Lourdes Bendigo, Maria Luisa Pitoy, Ma. Elena Labagala, April Labagala, Margarit Lopez, Allan Barquilla, Chito Angelo, Chato Aranda at para sa media, Cheryl Vilog.

Ninanais ng grupo na makalikom ng donasyon para sa pagpapatayo ng kapilya  ni Padre Pio sa Sta. Cruz, Davao del Sur.  Pag nagkataon, mas marami pa ang matutulungan nito hindi lamang sa aspetong ispiritwal ng mga taga roon.

Ang konsyerto ay gaganapin, Hulyo 21, Marco Polo Hotel.  Para sa detalye, subaybayan ang mga susunod na artikulo dito sa Davao Catholic Herald o bisitahin ang opisina sa Blooms and Accents, Sta. Ana Avenue, Davao City at hanapin si Edgar Canda (0927-588-7729).

No Comments

Post A Comment