Wagas

Ganyan ka ba talaga dapat?
O sadyang pagmamahal mo sa amin ay tapat?
Kami ay makasalanan at minsan ka nang tinalikuran
Kami ay nakakalimot ngunit ikaw ay di sumusuko
Kami ay minahal mo nang tapat
Kahit minsan tila kami ay di karapat-dapat.

Sadyang kami ay pinagpala
At ika’y may pusong di nagsasawa
Sa aming paglalakbay alam naming kami   ay may kaagapay.

Sa tuwing nadarapa, ika’y and’yan
Sa amin di kailanman nagsawa
Ang iyong kamay andiyan upang kami ay iakay.

Salamat sa pagmamahal
na iyong ipinamalas
Sadyang wagas
Walang wakas!

 

Lea Jane C. Sab
GKK San Roque
Marapangi II Toril, Davao City
Grand Winner Media baby ka ba? Writing Contest

No Comments

Post A Comment