Grateful

Dear Ate Emz,

Gusto ko lang ilabas ang saloobin ko sa mga parents ko lalong lalo na sa Tatay ko.

Mag-4th year college na ako at panibagong hamon nanaman ito. Sa buong pagtanggap ko sa hirap ng buhay, alam ko naman na marami na kaming utang dahil sa akin pero never sumagi sa isip ko na may ibebenta/isasangla kaming property para sa pag-aaral ko. Isasangla na kase ni mama yung taniman namin ng palay para may pambayad kami sa balance ng tuition ko sa school. Ngayon enrollment na naman, eh di need na naman ng downpayment. I tried applying for scholarships pero hindi pinapalad, I don’t know why, eh yung mga may kaya na kasabayan ko, nakukuha naman. Nag-summer job naman ako, pero yung sahod ko baka nag-start na ang klase bago pa makuha, and for sure mapupunta sa rent expenses, miscellaneous expenses, allowance expenses, ang dami na naming payables.

Ginagawa naman ng mother ko ang lahat ng kaya niya, kaya nga ako mas nasasaktan. Makakabawi kaya ako? Magiging successful kaya ako? Makakabayad kaya kami? Hindi na ako nagiging sigurado sa bukas ko. May hidden resentment din ako sa parents ko, for being irresponsible and unprepared. Matagal na silang hiwalay, hindi pa man ako tumutuntong sa pag-aaral. My father never supported us financially, kaya super proud ako sa nanay ko kasi kinaya niya kahit mag-isa. Thankful din ako sa side niya, kasi kapag kaya nila tumulong, tumutulong sila. Super duper grateful ako sa lola namin for all the guidance, care and love. Kaso wala na siya eh, parang gusto ko nalang sumunod.

Dumating sa point na inaaway ko na rin si Lord, tinatanong Siya kung bakit ang hirap naman ng kwentong isinulat niya para sa’kin. Yung tatay ko ni minsan ay hindi nagpakaama. Kahit pangungumusta sa pag-aaral. Hoping that the storm I’m in right now will soon calm and bring me brighter days. Tuloy lang sa laban ng buhay.

SALUTE TO ALL PARENTS who work so hard to provide for the Family.

Dianne

* * * * * *

Dear Dianne,

Everything is grace, ayon pa kay Fr. Dave Concepcion. And this includes even the storms in life, just like what you are going through now. Hindi kayo bibigyan ng mga trials na hindi ninyo kaya dahil ang blessings ni Lord ay sapat sa inyong mga pangangailangan. All He asks from you is to trust His words that He will never abandon you.

May mga dahilan si Lord kung bakit mayroon tayong mga pagsubok sa buhay. Mayroon Siyang plano para sa inyo at una sa lahat ay ang pagpapatibay ng inyong pananampalataya at pagtitiwala sa Kanya.

Malapit ka na sa pagtatapos ng iyong pag-aaral. As you look back, have you ever wondered how your mother surpassed all the trials that have come your way? Na realize mo ba na kung hindi kayo ginagabayan ng Panginoon ay hindi ninyo marating ang kinalalagyan ninyo ngayon? Kahit na sa tingin mo ay naghihirap pa rin kayo? Ikaw na mismo ang nag enumerate ng mga tao na nagsuporta sa inyong mag-ina along the way. Sila yung pinadala ni Lord upang magiging magaan ang inyong pag “pasan” ng mga mabibigat na pagsubok sa buhay. Ibig sabihin hindi talaga kayo pinabayaan, kahit na may mga pagkakataon na yung mga gusto mong mangyari katulad ng pagkakamit ng scholarships ay hindi natupad. Just trust that God has better plans for you.

Valid naman ang iyong mga paghinaing sa Panginoon when you mentioned na dumating ang point na “inaway mo rin si Lord”. Okay lang yon…sabihin mo sa Kanya ang lahat nang nararamdaman mo… yung mga pangangamba mo tungkol sa iyong future…kung makakabawi kayo…kung magiging successful kayo…even your negative feelings. Maintindihan Niya yon. You can even argue with Him. Remember, Jesus was silent when a woman begged for his help to cure her daughter possessed by the demon? Persistent siya sa paghingi ng tulong. Nagpakumbaba siya when she said that “even the dogs eat the crumbs that fall from the table”. Hanga ang Panginoon sa kanyang faith and so her prayer was granted!

Valid na rin na nagkaroon ka ng hidden resentments sa iyong parents dahil sa tingin mo na irresponsible sila and unprepared sa paghaharap sa buhay pamilya. However, this resentment will not help if you continue to hold on and linger on this. Nakaraan na yon at nakikita mo naman sa nanay mo kung gaano ka niya tinataguyod hanggang ngayon…at hindi siya nag give up. Salamat sa Panginoon binigyan siya ng lakas ng loob na makaya ang lahat. And so, instead of harboring that resentment, thank God for your mother, sa lahat ng kanyang mga sakripisyo at pagmamahal sa iyo. Walang perfect na magulang…but even in their imperfections, nakarating ka to where you are now. COUNT YOUR BLESSINGS MORE THAN THE DIFFICULTIES you have. Remember, even these difficulties are graces from God, which are meant to strengthen you and help you grow as a person.

Walang permanente sa mundong ito. Lahat ay lumilipas, maging ang mga storms sa iyong buhay. Yes, God will calm the storms and you will experience the sun and the rainbows. Wag mawalan ng pag-asa. Look forward to the resurrection from the cross you are carrying. Wag lang bumitaw. PRAY, HOPE, AND DON’T WORRY…according to St. Padre Pio… for the Lord will always stay with you and act on your life. Ipaubaya ang lahat sa Kanya as He promised when He said: “come to me all you who labor and are weary, I will give you rest…” Si Lord lang at walang iba ang ating makakapitan.

Remember, even in the midst of the storm, God never stops loving and caring for you. Just call Him and He will be there to lead the way for you and your loved ones.

By the way, if you have not been blessed with a scholarship, there are other ways na matutulungan mo ang iyong sarili. How about applying as a student assistant sa school, or mag working student ka just like those students who work in food chains…they consider the schedules of students while fulfilling their working hours. You can also seek financial assistance from government officials because they are also offering this.

In this Lenten Season, may your journey with Jesus on the road to Calvary be fruitful till you savor the joy of his resurrection.

God bless us more
Ate Emz

No Comments

Post A Comment