Pagbabahagi ng Pagmamahal at Pagpapala ng Maykapal sa Sandunan
Noong Mayo 17, 2025 sa araw ng Sabado sa alas kwarto ng madaling araw, ang San Roque Parish Team bumisita sa ating mga kapatid na Lumad patungong Sitio Sandunan, Barangay Tamugan, Marilog District na pinangunahan ni Rev. Fr. Cirilo Bermudez upang magdiwang ng Santos na Misa at magdaos ng Sakramento ng binyag sa 74 ka tao, kabataan, dalaga, binata at matatanda.
Kahit malayo ang lugar, mahigit-kumulang ng tatlong oras ang paglalakad galing Pangyan patungo roon sa Sandunan at nang dumating na kami sa mismong lugar, makikita sa kanilang mukha na masaya sila na mayroon silang bisita nga galing Simbahan, at naroon ang paggalang pag respito sa bawat isa.
Alas Nuwebe ng umaga idinaos ang Banal na Misa. Isinaysay ni Fr. Cirilo o mas kilala bilang Fr. Lolong sa kaniyang omiliya ang 4 na P. Una ang Pagpaila; bilang isang Pari siya nagpakilala sa kanyang sarili dala ang isang magandang adhikain ang pagdaos ng Sakramento sa Yukaristiya. Pangalawa ang Pagdasal; bago pa nagpunta sa lugar dinadasal na niya na makarating talaga sa kanilang lugar. Pangatlo Pagdasig; Pagdasig sa kanila na mapalapit sa Panginoon. Ang ikaapat ang Pagdawat, kung saan matanggap nila ang Panginoon sa pamamagitan ng katawan at dugo ni Kristo ang Yukaristiya. Makikita sa mga mukha ng mga dumalo ang na uhaw sila sa pagtanggap sa Yukaristiya.
Bago natapos ang Misa nagbigay ng mensahe ang kanilang Leader na si Madam Aida kung saan nagpasalamat siya sa lahat lalong lalo na kay Fr. Lolong na nakaisip na dumalaw sa kanilang lugar.
Nang matapos na ang Misa, sumunod ang pagbinyag sa 74 ka tao kung saan ang naging Ninang at Ninong nila alam ninyo po ba? Kami-kami pa ring mga GKK Servant Leader ang siyang tumayo bilang kanilang mga Ninong at Ninang, ang saya di ba!
Pagkatapos ng Binyagan may kainan din na inihanda para pagsalohan ng lahat ng nandoon. Sabay-sabay na kumain at nang matapos, sumunod ang pagkuha ng mga litrato at nagsiuwian na.
Bye bye Sandunan, sa muli nating pagkikita! Naway’s patuloy kayong pagpalain ng Poong Maykapal! (Arlene R. Tarnate | SRP-Malabog SoCCom)
No Comments