Pangpukaw na Halaga: Media ng Madla

(DaDiTaMa SocCom Convention 2025 Newsriting Workshop Output)

Naging matagumpay ang unang araw ng kapanabik-nabik na Pinakaunang DaDiTaMA Social Communications Ministry Convention 2025 na may temang “Empowering Digital Missionary Disciples” sa St. Francis Xavier Regional Major Seminary, Catalunan Grande Davao City na dinaluhan ng humigit kumulang isang daang delegado ng Archdiocese at Dioceses ng Sub-Region ng Mindanao at nagtapos sa San Pedro Cathedral, sa Linggo, Ika-29 ng Hunyo ng kasalukuyang taon.

Sa ginanap na Opening Mass ng Convention ay pinaunlakan ito ng Obispo ng Diocese of Mati, Most Rev. Abel C. Apigo, D.D. Ayon sa kanya “We can be assured that we can influence others if we carry the heart of our Lord Jesus Christ, the heart that will reach out to those who are astray.” Nasa puso ng pagtitipong ito ang pagbibigay atensyon sa importansya ng ating ministriya. Sa ating pakikibahagi ng ating kaalaman, oras at talento, tayo ay pinag-isa ng kanyang pagmamahal upang tayo ay patuloy na mag serbisyo.

Dinala tayo ng ating pananampalataya at ng kanyang taglay na pang-unawa na nagdudulot ng pagpapahalaga sa komunidad, konteksto ng balita at ang mahigpit na koneksyon sa ating Panginoon. Sa kabila ng hamon ng teknolohiya, sa pangunguna ng mga SocCom Directors nagliyab muli ang pursigidong isip at puso ng mga manunulat, maniniyot at volunteers ng mga dioceses.

Ibinahagi ni kapwa SocCom Dexter Amores, Working Committee ng Archiocese of Davao ang kanyang kasiyahan at pagpapasalamat sa selebrasyong ito. Aniya, dama niya ang puspusang paghahanda ng mga tagapangasiwa ng mga aktibidades sa tatlong araw na DaDiTaMa SocComm Convention. “Maayo jud kayo ang pagdala, andam ang mga script og ang pag command sa mga technical. Kung meron man akong isang salita para sa kaganapan, ito ay ‘congratulations’ dahil sa ating pagsusumikap tayo ay humantong sa isang makabuluhang karanasan.”

Ayon sa nakalakip sa akda ng DaDiTaMa SocCom Convention, mahalaga ang tinig ng bawat isa dahil tayo ay may malaking ambag sa pagbabago. Ang patuloy na pagbabahagi ng salita ng Diyos ang siyang magdudugtong sa ating makabago at napapanahong komunikasyon. Nawa ay magpatuloy at umusbong ang social communications, Ikaw at ako, tayo ang simula at ang pag-asa ng isang bagong kabanata. (Daina Sophia C. Gerarcas, Diocese of Tagum SoCCom)

No Comments

Post A Comment