Saludo Sa Mga Modernong Bayani
Dear Ate Emz,
Ako po ay 28 yrs old working in the Middle East. Pagod na pagod na po ako sa trabaho ko, araw araw straight duty, wala ng tulog at wala ng pahinga, dahil sa area manager namin na nagpapahirap samin, kaya ang daming nagreresign dahil sa pamamalakad ng Filipino naming area manager.
Saklap lang kapwa Filipino pa nagpapahirap samin, akala niya robot kami na hindi napapagod. Gusto ko na po magresign. Pagod na pagod na po ako at lalong nakakawala ng gana, di bayad yung overtime namin dito.
Halos umaabot 16 hrs duty araw araw, bigat pa ng trabaho as assistant manager. Parang di ko na kaya, araw araw sakit na ng ulo ko. Iniisip ko naman kung magresign ako hirap makahanap ng bagong work dito para sa lalaki at ako ang breadwinner samin.
Di ko alam gagawin ko, gusto na bumigay ng katawan ko sa pagod, pero may umaasa sakin pamilya ko sa Pinas. Mahirap din po mabakante dito sa Middle East, pero kung araw araw nalang ganito yung oras ng trabaho dito na wala ng pahinga, di ko na alam ano gagawin ko kung magresign ba ako or magtiis na lang.
Ano kaya po magandang desisyon, mag resign o magtiis?
Salamat po,
Jules
* * * * * *
Dear Jules,
Ang pagiging OFW ay isang napakalaking sakripisyo kaya saludo ako sa inyo na mga modern day heroes.
Ang pagiging malayo sa pamilya ay isa nang malaking adjustment concern. Mag adjust ka sa ibang kultura, trabaho, mga kasamahan galing din sa iba’t ibang bansa, food, climate, etc. at ang nakakalungkot ay yung working environment na lalong nagpapahirap, kagaya sa inyong kalagayan.
Dapat mong i-consider na ang mahalaga sa lahat ay hindi lang ang inyong physical health, kundi ang inyong mental health na rin. Katawan at kalusugan mo ang inyong puhunan. Kung ito ay susuko, ano pa ang inyong panglaban? Paano ka makapagpatuloy sa trabaho?
Matanong lang… sa inyong kalagayan sa trabaho, wala bang nagrereklamo sa higher ups tungkol sa pamamalakad ng inyong immediate boss at kung paano kayo tinatrato? Basta na lang ba mag reresign ang mga empleyado? Hindi ba nagtataka ang higher ups bakit mabilis ang turn-over ng mga empleyado?
Naniniwala ako na sa inyong company meron naman siguro Human Resource Department na kung saan ang mga concerns ng mga empleyado ay kanilang binibigyan attention. Mayroon ba kayong mga meetings with your HR head na kung saan may mga pagkakataon na matatalakay ang inyong sitwasyon/difficulties?
Right now you are at the crossroads trying to make a decision whether to resign or magtiis.
Just as I mentioned, katawan at kalusugan ang inyong puhunan. And you mentioned na gusto nang bumigay ang inyong katawan. Hintayin mo pa ba na mangyari ito? Ngayon, kung ikaw ay aalis sa company, mahirap din ang mabakante kaya ito ang iyong kinatatakutan dahil meron kayong pamilya dito na umaasa sa inyo.
You may consider these options: Hindi naman siguro kailangan na mag resign ka agad at doon pa maghahanap ng malilipatan. Siguro naman meron kayong karapatan to take a leave of absence and use this time to look for an alternative job sa ibang company.
If you decide to stay with your company, have a dialogue with your HR head and open up regarding your overtime compensation. Wala ba ito sa inyong contract?
As you mentioned, ikaw yata ang assistant manager, kaya maghihinayang ka rin na iwan ang kumpanya. Naniniwala ako na mataas din ang inyong sahod nito. Bilang assistant manager, meron ka naman siguro karapatan/authority na magbigay assessment kung ano ang mga nangyayari sa inyong kapwa empleyado tungkol sa inyong mga difficulties at kapakanan.
You need to discern on your options. You need to pray nang sa gayon ay mas maliwanagan ka at ma guide kung ano ang dapat mong gawin. Invoke the guidance of the Holy Spirit and that you will be given the courage to take calculated risk for your physical, emotional, mental and spiritual health and well-being.
Message ko na rin sa mga pamilya ng mga OFWs, please pray for your loved ones out there sa ibang bansa. Hindi nyo lang alam gaano kahirap ang kanilang mga kalagayan doon. Please, value their sacrifices by valuing every centavo of their money being sent to you. Hindi sila namumulot ng pera doon kahit na sa mga posts nila sa social media ay mukhang masasaya sila. Stay connected with them not just to enumerate your material needs. Lighten their burdens, assure them of your love and concern for their health and well-being. Bigyan naman sila ng kasiyahan sa pamamagitan ng inyong mabuting pag-aaral, pagiging masunurin sa magulang na naiiwan sa inyo, pagpili ng mga mabubuting mga kaibigan, etc…. at importante sa lahat, ipagdasal na sana, darating na rin ang panahon na makakauwi na sila for good. Amen to that.
God bless us more
Ate Emz
No Comments