Open Your Communication Lines

Dear Ate Emz,

This is to all responsible single dads na naabuso ang pagbibigay ng sustento sa mga anak sa estranged wife or gf nila. Ano po ba remedy and solution nito?

Meron po akong anak na constantly binibigyan ko ng child support pero I’m not seeing my kid’s situation improving sa side ng mommy ng anak ko. Hindi ko maiposisyon nang matatag ang sarili ko against them to protect the interest and welfare of my child. Plus our justice system boldly favors the single moms.

I don’t think napupunta talaga sa anak ko ang financial support na binibigay ko. Ano po ba hakbang na gagawin ko?

Salamat,
Louie

* * * * * *

Dear Louie,

Nakakalungkot talaga ang sitwasyon na broken family lalo na kung maliliit pa ang mga bata. “Collateral damage” sila at kung maliliit pa, nasa custody sila ng kanilang nanay.

Ayon sa inyo, napansin mo na parang hindi napunta sa pangangailangan ng inyong anak ang mga financial support na binibigay ninyo, dahil hindi mo nakikita na meron improvement ang situation ng inyong anak. Maliban pa dito, totoo, magastos and tedious talaga ang legal battle kung sakaling ito ang iyong magiging option to fight for the custody of your child. But at the moment you just have to find other ways to make the most of the situation for their best interest.

I know of a couple, merong anak sa pagkabinata ang husband, at nasa custody siya ng nanay. Sinusuportahan niya ito sa kanyang mga pangangailangan… diapers, milk, clothing, education, school supplies, personal needs, etc. Ang kanilang ginagawa ay binabayad directly sa school ang tuition and other fees and whatever school activities ng bata, suportado nila. They buy the books and school supplies, uniform, groceries, etc., and whatever the child needs. Sa ganitong paraan, konting cash na lang ang binibigay sa nanay for allowance and incidental expenses ng bata. Ginagawa nila ito hanggang nakapagtapos ang bata sa kanyang schooling, hanggang nakagraduate ito. So far naging maayos naman ang ganitong arrangement para sa kanila. Ang mabuti lang dito is, open ang wife sa ganitong arrangement at ang wife pa mismo ang nagmanage at nagmonitor sa financial support ng bata.

Sa inyong kalagayan, kailangan mag-usap kayo ng nanay ng inyong anak. Mag dialogue kayo and come up with an agreement for the best interest of the child, if the legal process is not your option. Kung legal age na siguro ang bata, direct na sa kanya ibigay ang cash allowance dahil expected na marunong na ito mag budget ng kanyang pera. At saka i-monitor na rin ang kanyang expenses by asking him/her to liquidate the same. Open your communication lines with your child, too, as soon as he/she is able to do so.

Hoping and praying magiging civil din kayo sa nanay ng bata and that things will go smoothly, according to your own financial capacity. Importante din ang pagtitiwala sa isa’t isa as far as child support is concerned.

God bless you more.
Ate Emz

No Comments

Post A Comment