Prayer Is Our Only Strength

Dear Ate Emz,

Nakakapanghina na ng loob at baka hindi ko ito kakayanin. Hindi ko na rin minsan alam gagawin ko minsan nag kakaroon na ako ng mga intrusive thoughts na hindi maganda sa mental health.

I am 28 yrs old, single parent, at the same time nag-iisang anak lang. Hindi ko na alam kung sino ang pipiliin ko… anak ko ba o yung Mama ko. Gusto ko magtrabaho para naman makapag provide ako sa anak ko, with special needs, para mapa therapy ko siya pero kapalit nun maiiwanan ko sila ni Mama sa bahay nang sila lang magkasama.

Si Mama po ay nastroke earlier this year at hindi niya kakayanin alagaan ang anak ko na nag aaral na din. Gustong gusto ko magbigay para sa anak ko pero hindi naman pupwede na ihihingi ko lang siya sa ibang lola nya. Nakakahiya naman pag ganun.

Ano po ba dapat gawin para naman sana matulungan sila? Nadadamay na rin sila sa mga intrusive thoughts ko po which ayoko nang ganito.

Salamat po,
Phem

* * * * * *

Dear Phem,

Makikita natin na medyo mahirap nga ang inyong sitwasyon bilang nag-iisang anak at solo parent na rin sa isang special child. With your mother who had a stroke, talagang mahirap din iwanan na mag-alaga siya sa inyong anak sakali ikaw ang magtrabaho. Marami na rin needs ang inyong anak, as what you have mentioned, he also needs to undergo therapy.

I am just wondering, at the moment, ano po ba ang inyong source of income to sustain your family’s needs? Hindi mo kasi na mention. Totoo, medyo mahirap na rin na aasa din kayo sa inyong parent/s dahil may sarili na rin kayong pamilya. Kaya maintindihan natin kung bakit kailangan na mag hanap ka na rin ng trabaho to sustain your family. Sa ngayon nasa dilemma ka kasi dapat mag trabaho ka pero at the same time hindi rin puede iwanan ang inyong mag-lola.

Una sa lahat, ano po ba ang inyong skills? Saan ba kayo magaling? Kasi kung ma identify mo ito, maari mo itong gamitin to earn income.

Samantala, ito po ang mga options na maari ninyong pag-isipan:

Sa ngayon marami ways to earn income na work- from -home lang, like online selling. Yung iba nakiki connect lang sa mga suppliers and they help sell their products. Kaya lang need mo magkaroon ng computer and other gadgets. And also dapat medyo techie ka rin.

Pude ka rin mag negosyo kahit maliit lang na tindahan. Meron akong kakilala, habang hindi pa siya employed ay nagtitinda siya ng “ginanggang”. Yung andiyan lang siya sa harap ng bahay nila, tuwing hapon, yan ang ginagawa niya. At lumago ang kanyang munting negosyo. At ngayon meron na siyang tinitinda nga maruya, turon, pancakes, fried chicken. Nag diverse cooking na siya. Hindi na siya naging employed. She is her own boss at na monitor pa niya ang kanyang mga anak. Tuwing hapon lang siya nagluluto. Nakapagtapos din ang kanyang mga anak dahil nag avail sa assistance ng government.

Pude kang magtanong kung ano ang assistance na maibigay ng OVP kasi parang meron silang program, MAGNEGOSYO TA ‘DAY, kung saan nagbibigay sila ng financial assistance dito. Pude ka rin magpunta sa Dep’t of Labor. Parang meron din yata sila assistance binibigay.

Posible din ba na mag hingi ka ng child support from the father of your child?

Never give up hope. Avoid temptations that will weaken you. Catch yourself each time negative thoughts pop up. You can talk to someone you trust, with whom you can share your concerns. Remember that sometimes a problem shared is half a problem solved.

Above all these, PRAY that the Lord will guide you and lead you to ways na maka earn ka ng income na hindi iniiwanan ang iyong ina at ang iyong anak.

Yes, prayer is our only strength. Remember God’s assurance in his words…”Come to me, all you who are weary and burdened, and I will give you rest. Take my yoke upon you and learn from me, for I am gentle and humble in heart, and you will find rest for yourselves. For my yoke is easy and my burden is light.” (Matt 11:28-30).

Indeed, God will not leave you alone…He will hold you up when your tribulations feel too heavy to carry.

Pray, hope and don’t worry, as what St. Padre Pio reminds us.

God bless you more.
Ate Emz

No Comments

Post A Comment